PAUTANG SA MALILIIT NA NEGOSYO UMARANGKADA NA

BOI Chairman Ramon Lopez

NAGSIMULA nang magpautang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Sa Laging Handa briefing ay sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang loan program para sa MSMEs ay nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon noong nakaraang Mayo  25.

Ayon kay Lopez, sa kasalukuyan ay nakapagpahiram na ang  programa ng P50 million sa maliliit na negosyo.

“Bale po,  in general, may program tayong pauutangin ng DTI ang  micro enterprises. Nagsimula po ‘yun nung May 25, may mga applications na tayong natatanggap,” aniya.

“Kauumpisa  lang po ‘yun pero mayroon  na pong P50M worth, pero umpisa na ito,” sabi ni Lopez patungkol sa P1-billion loan package para sa MSMEs.

Sa katapusan ng Hunyo ay umaasa, aniya, sila na may maaaprubahan nang 1,000, at sa katapusan ng Hulyo ay maipamamahagi na ang kabuuang loan package.

Comments are closed.