MANDALUYONG CITY – GOOD news para sa mga Filipino nurse na nakabase sa Germany.
Ito ay dahil asahan ang pagtaas ng kanilang suweldo sa mga susunod na panahon, anunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa statement na pinadala ng POEA, inihayag ang magandang balita alinsunod sa Triple Win program at mismong ang German government ang nag-anunsiyo ng wage adjustments sa kasagsagan ng 5th Joint Committee Meeting.
Ang Triple Win Project ay government-to-government project sa pagitan ng German Federal Republic at ng Filipinas.
Ang POEA ang nagtataguyod ng nasabing proyekto.
Batay sa POEA, ang mga nurse na na-interbyu at pumirma ng employment contracts simula Enero 1, 2019, ay makatatanggap ng 2,000 euros at kikilalanin bilang qualified nurse sa Germany at makaraan nito ay tatanggap ng 2,400 euros.
Ang dating minimum wage rates sa Filipino nurse ay 1,900 euros at 2,300 euros. AIMEE ANOC
Comments are closed.