PAY HIKE SA GOV’T NURSES IPATUTUPAD NA

Senador Panfilo Lacson-5

MAAARI nang matanggap ng mga nurse sa mga pampublikong ospital ang kanilang dagdag-sahod.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, batay sa memorandum circular ng Department of Budget and Management (DBM), may P3 billion ang inilaan sa 2020 budget para sa salary increase.

Inilabas ng ahensiya noong Biyernes ang memo na nagtataas sa entry level salaries ng government nurses sa salary grade 15, na may katumbas na sahod na P32,053 hanggang P34,801 kada buwan, mula sa salary grade 11, o P22,316 hanggang P24,391.

Sinabi ni Lacson na dahil ang pondo ay available na sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng national budget, hindi na kailangang hintayin ng government nurses ang pagpasa ng batas o ang pagkakaroon ng pondo na magmumula sa DBM.

“Definitely, no amount is enough to show our appreciation for the sacrifices and hard work of our nurses, especially those in the front lines,” ani Lacson.

“Still, this pay increase – which was sought even before the COVID pandemic hit – will be of help to them in one way or another.

“As all of us are now dealing with the ‘new normal’ due to the pandemic, the pay increase should hopefully make a difference for them,” dagdag pa niya.

Samantala, pinuri at pinasalamatan ng mga kongresista ang pagpapalabas ng DBM ng memorandum circular para maipatupad na ang salary increase sa government nurses.

Ayon kay Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prosperp Pichay, ang pagtugon ng Supreme Court at ang pagbibigay ng pansin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inihaing petisyon ng dating party-list Ang Nars, na maipatupad ang salary adjustment sa hanay ng state nurses, ang tunay na susi sa katuparan ng mga ninanais ng grupo ng huli.

Sinabi pa ng Surigao del Sur lawmaker na mismong si DBM Sec. Wendell Avisado ang nagbigay ng katiyakan sa kanya na agad na maipatutupad ang ‘retroactive salary adjustment’ na ito dahil nakapaloob na sa 2020 General Appropriations Act ang pondo na gagamitin para dito.

Nagpapasalamat naman si An Waray party-list Rep. Florencio ‘Bem’  Noel, vice-chairman ng House committee on agriculture and food, sa maagap na aksiyon ng DBM at napapanahon, aniya, ang tugon ng kagawaran sa kautusan ng  High Tribunal ngayong itinuturing na ‘frontliners’ sa kampanya ng pamahalaan kontra COVID- 19 ang mga public nurse.

“It is now important that we adjust the compensation of our health care workers. This is a good start with our nuses in government service. During this difficult times, our nurses play.a vital role in preventing the spread of the novel coronavirus,” pahayag pa ng An Waray party-list representative.  ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.