‘PAY, PAY, PAY’ SA CONTRACTORS, SUPPLIERS TUTUKAN

Rep Bayani Fernando

UMAPELA ang isang ranking official ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tiyakin ng mga ito na nababayaran nang sapat at nasa takdang panahon ang kani-kanilang contractors at suppliers.

Giit ni House Deputy Minority Leader at Marikina City 1st Dist. Rep. Bayani Fernando, sa panahon ngayon na may nararanasang krisis sa ekonomiya, mahalagang tutukan ng pamahalaan ang obligasyon nito sa mga kontratista at supplier para na rin masiguro ang patuloy na operasyon at paghahanapbuhay ng mga ito.

“I am calling on all government agencies to pay their obligations to the private sector for goods and services rendered now before it’s too late,” ang apela ng kongresista.

“In this time of recession, the private sector has a big role to play to revive the economy. But if their resources are held by the government, then there will be lost opportunities for them. It may even cause more lay-offs and bankruptcy,” dagdag pa niya.

Ayon kay Fernando, hindi naman lihim at patuloy pa ring  nangyayari ang pagkakaroon ng overdue payment ng karamihan sa government agencies, na ang iba ay umaabot sa isang taon o higit pa na hindi nakapagbabayad sa kanilang contractors o suppliers.

“This has been happening before, not only during this health crisis. In fact last year, Congressman Rolando Andaya revealed that the government failed to pay DPWH contractors the amount of P100-B in 2018 for completed infrastructure projects. The government must be a good role model by paying their obligations within a reasonable time frame,” sabi pa ng Marikina City lawmaker.

Pagbibigay-diin ni Fernando, dapat palakasin at suportahan ng pamahalaan ang business sector dahil lumilikha ito ng mga trabaho at ang pagpapatupad ng infrastructure projects sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ay nakapagbibigay ng livelihood opportunities, dahilan para lumakas ang private spending at consumer consumption, na mabuti para sa ekonomiya ng bansa. ROMER BUTUYAN

Comments are closed.