GOOD day, mga kapasada!
Kumusta po ang buhay. Sana naman po, ligtas ang mag-anak sa masamang biro na dulot ng COVID-19 pandemic. Stay safe po, mga kapasada. Maniwala po tayo sa kasabihang “God is good to all His believers.” Amen.
Ang malamig na simoy na dapyo ng hangin lalo na kung dumarating ang dapit hapon ay nagpapahayag na Christmas season is just around the corner.
Sa kabila ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ), ang exodus ng mamimili sa mga bazaar at mga mall ay hindi mapigilan. Maraming mga Christmas sale at ito ang kanilang sinasamantala, murang halaga ng mga bilihin.
Kung minsan, kahit anong higpit ng pagpapatupad ng pandemic protocol, marami sa mga mamimili ay nakakalimot na sundin ang kahingian ng pag-iingat tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at one meter social distancing.
‘Di nga kasi, siksikin sa hangaring makapasok sa mga establishment na kanilang sadyang dinayo para mamili ng mga bagay na kailangan sa pang mag-anak na pagsasaluhan sa Noche Buena sa bisperas ng pagsilang ng dakilang Mesiyas.
PAALALA SA PAGMAMANEHO NG MOTORSIKLO
Binigyan ng Land Transportation Office ng permiso na magamit ang motorsiklo sa pagbiyahe sa mga lansangan sa panahon ng pandemya sa pasubaling susundin ng mga driver nito ang lahat ng kahingian base sa pandemic protocol.
Sa kabila nito, nanawagan ang LTO na igalang ang safety protocol sa pagmamaneho, lalo na at malayuang biyahe ang gagawing paglalakbay upang maiwasan ang posibleng pagkakasangkot sa traffic accident.
Ayon sa estadistika, tumaas ng mahigit sa dalawang libo ang mga kaso ng aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo sa National Capital Region (NCR) noong 2012.
Ayon sa nakalap na estadistika ng Patnubay ng Drayber mula sa road crash statistical report for motorcycle Road Safety Unit ng Metro Manila Development Authority (MMDA), lumilitaw na 18,732 na aksidente ng motorsiklo ang naitala mula Enero hanggang Disyembre 2012.
Kung ihahambing sa taong 2011 sa kaparehong panahon, umabot lamang sa 16,489 ang naitalang aksidente.
TIPS NG MMDA PARA MAIWASAN ANG ROAD ACCIDENT SA MC
Nagbigay ng limang tips ang MMDA sa mga MC driver para maiwasan ang traffic accident tulad ng pagsunod sa traffic rules, pagprotekta sa sarili, pag-check sa sasakyan, pagiging alert at attentive at higit sa lahat, do not drink and drive.
Ayon sa MMDA, driving under the influence of alcohol and or drugs is like suicide (pagpapakamatay).
Ang karaniwang dahilan ng aksidente sa motorsiklo ay ang pagkakamali (human error); sirang motor (vehicle defect); sariling aksidente, pagtama sa bagay (hit object); pagbangga sa sasasakyan na nakaparada; pagkasagasa sa tao sa daan; pagkasagasa sa hayop at maramipang iba.
IWASAN ANG AKSIDENTE SA DARATING NA PASKO
Ngayong Pasko, iwasan natin ang mga aksidente sa ating pagbiyahe sa mga lalawigan upang doon natin gunitain ang Araw ng Pagsilang ng Mesiyas kasama ang mga kamag-anak at mga mahal sa buhay.
Magagawa natin ito, bakit nga ba hindi, sa pamamagitan ng pagsunod sa protocol na inilatag ng kinauukulang ahensiya ng transportasyon, gayundin ang pagsunod sa ilang road safety tips mula sa Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. o MDPPA, sa pangunguna ni Magnus Mateo na siyang Road Safety Vice Chairman ng nabanggit na samahan ng mga motorcycle manufacturer.
Kabilang sa mga payong pangkaligtasan sa pagmamaneho sa darating na Kapaskuhan ay ang mga sumusunod:
- MAG-FOCUS SA PAGMAMANEHO
Ayon kay G. Mateo, lubhang nakaka-excite ang maraming mga party na pinapayagan under the GCQ, gayundin ang mga shopping escapade, at ang matagal nang inaantay na Christmas bonus.
Sa ganitong pagkakataon, ang tendency ng karamihan, hindi naka-focus sa driving dahil maraming nasa isip, kabilang ang: Ano ba ang aming ihahanda sa Noche
Buena? Ano ba ang regalo kong ibibigay kay misis at sa aking mga anak at inaanak? Iyan at marami pang ibang panggulo ng isipan.
- STAY HEALTHY
Makatotohanang banggitin na kahit ang pinakamahal na motorsiklo ay hindi maililigtas ang motoristang inatake sapuso.
Kaya naman lohikal lamang na pangalagaan ang kalusugan. May posibilidad na makaapekto sa paningin at sense of road awareness ang ilang karamdaman.
- HUWAG UMINUM NG ALAK BAGO MAGMANEHO
Don’t drink and drive. Maaaring maging sanhi ito ng pagkamanhid, blurred vision (panlalabo ng paningin), mabagal na reaksiyon at disorientedness at kung wala sa wastong kondisyon ang isipan sa pagmamaneho ay huwag nang isiping magmaneho pa.
- ANG MAINTENANCE NG MC Ayon sa source, hindi makabubuti sa mga motorcycle aficionado ang pagmo-modify ng motorsiklo dahil maaaring magkaroonng mga hindi inaasahan na response ang MC.
Nagsasagawa ng intensibong pagre-research ang mga manufacturer ng MC para makuha ang tamang speed kaya iwasang gumawa ng anumang modipikasyon na maaaring magsapanganib sa isang rider.
Samantala, para lalong gumanda ang performance ng MC, kailangan nang magpalit ng krudo at filter na nakasaad din sa owner’s manual.
- UMANGKOP SA PANAHON Ano ba ang dapat gawin ng mga rider kapag umuulan? Dapat ay dahan-dahan lang sa pagmamaneho at umiwas sa hard braking. Pinakamadulas ang kalye tuwing bagong ulan dahil ang mga layer ng alikabok at oil spill ay hindi pa nahuhugasang magbuti at kung hindi magkakaroon ng ibayong ingat sa pagmamaneho ang isang rider saganitong kondisyon ng lansangan, ang end result ay sumemplang ang sasakyan.
- GITGITAN SA LANSANGAN (ROAD RAGE)
Iwasan ang pakikipaggitgitan o pag-init ng ulo sa kalsada Ang matinding pag-init ng ulo ay madalas na nauuwi sa pabayang pagmamaneho, kakulangan ng atensiyon , at pakikipag-away sa kapwa motorista o mga tumatawid (pedestrian) na ang kinahahantungan ay traffic accident.
Isaalang-alang din sa ganitong sitwasyon ang katuruan ng “Defensive Driving” na siyang primary cardinal rule sa pagmamaneho.
Mga kapasada, stay safe and happy trip. Happy holiday!
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.