PBA 3X3: BACK-TO-BACK LEG TITLES SA TRIPLE GIGA

MAKARAANG malusutan ang pagkakasilat sa quarterfinals at semifinals, muling nadominahan ng TnT ang surprise finalist Terrafirma, 21-11, upang kunin ang Leg 2 ng PBA 3×3 Season 2 Second Conference nitong Martes sa Ayala Malls Circuit sa Makati.

Hindi hinayaan ng Triple Giga, ang last team standing sa Top 4 finishers ng Leg 1 na isa-isang nasibak sa KO rounds, na makakawala ang tsansa at sumandal sa kanilang mainit na two-point shooting upang pataubin ang upset-conscious Dyip.

Nagtuwang sina Gryann Mendoza (eight points), Ping Exciminiano (five), Almond Vosotros (four) at Chester Saldua (four) para sa 8-of-13 bombardment mula sa deep na nagpatahimik sa Terrafirma, na nasa kanilang unang finals appearance.

Sinindihan ni Mendoza, isang late replacement para kay Matt Salem na na-injure ang tuhod sa elims noong Lunes, ang outside shooting ng TNT na may tatlong two-balls.

Naiuwi ng Mau Belen-coached squad ang premyong P100,000 matapos masundan ang Leg 1 triumph noong nakaraang linggo.

Patungo sa kanilamg record-extending 15th leg conquest, dinispatsa ng Triple Giga ang San Miguel Beer sa quarterfinals, 21-15, pagkatapos ay nalusutan ang matikas na pakikihamok ng Pioneer sa semis, 20-19.

Naisubi nina Brandon Rios (four), Ken Duremdes (three), Shaq Alanes (two) at Mark Anthony Francisco (two) ng Dyip ang runner-up honors na nagkakahalaga ng P50,000 sa kanilang breakout feat na tinampukan ng 20-19 reversal kontra Leg 1 runner-up Cavitex sa quarterfinals at ng 21-16 pagbasura sa isa pang upset-maker, Blackwater in sa semis. Ang Blackwater ang responsable sa pagkakasibak ng Meralco sa Last-8, 18-16.

“Sobrang respeto namin sa kanila (Terrafirma). Ito ‘yung first nila to reach the finals ulit but nirespeto namin sila, sineryoso namin yung game and we did a good job to win the (leg) championship,” sabi ni Exciminiano ng Dyip, na nasa kanilang unang finals appearance magmula nang pumangalawa sa TnT sa Leg 4 ng Season 1 Third Conference.

CLYDE MARIANO