SA LIKOD ng kanilang back-to-back leg wins, ang Cavitex Braves ay nanatili sa ibabaw ng PBA 3×3 Season 3 First Conference team standings na may 410 tour points sa limang legs.
Napanatili ang kanilang breakthrough victory noong nakaraang linggo, naidagdag ng Braves ang Leg 5 plum makaraang pataubin ang Pioneer Elastoseal, 22-10, upang makolekta ang maximum 100 points sa two-day competition at lumapit sa posisyon para sa top seeding sa grand finals.
May isang leg na lamang ang nalalabi bago ang conference championship, tangan ng Cavitex ang 82-point lead kontra Barangay Ginebra (328).
Napanatili ng Gin Kings, ang isa pang two-leg winner sa conference, ang kapit sa No. 2 kasunod ng kanilang podium finish sa Leg 5.
Nanatili ang Leg 3 ruler TNT Triple Giga sa third overall na may 290 points habang umakyat ang Meralco Bolts sa No. 4 na may 285 points mula sa fifth.
Sa bisa ng kanilang runner-up finish sa penultimate leg, ang Katibays (260 points) ay umangat ng dalawang puwesto sa fifth sa unahan ng San Miguel Beermen (258), na ang nakadidismayang 10th place finish sa Leg 5 ay humila sa kanila pababa ng dalawang puwesto.
Kinuha ng Wilcon Depot (211 points) ang seventh, habang nanatili ang Terrafirma (156) sa ninth spot.
Nakipagpalitan ng puwesto ang dating cellar-dweller NorthPort Batang Pier (153) sa Purefoods TJ Titans (129) sa No. 10 makaraan ang fourth place finish sa fifth leg.
-CLYDE MARIANO