MAGSISIMULA na sa Nobyembre 20 ang inaugural PBA 3×3.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, ang stand-alone 3×3 competition ay idaraos sa Ynares Sports Arena sa Pasig City at magkakaloob ng mga kapana-panabik na aksiyon bago ang pagbabalik ng 5-on-5 hostilities sa import-flavored Governors’ Cup sa huling linggo ng Nobyembre.
“The PBA 3×3 will start before the Governors’ Cup,” wika ni Marcial, at idinagdag na ang second conference ng season ay target buksan sa Nob. 26 o 28.
“The games in the PBA 3×3 will be aired live on TV5, One Sports and PBA Rush while the second conference has not yet started,” dagdag ni Marcial.
Labintatlong koponan ang magbabakbakan sa pilot three-a-side competition — 10 PBA franchises at tatlong guest squads. Maglalaro sila sa tatlong conferences kada season, kung saan ang bawat conference ay bubuuin ng six two-day legs at isang grand final.
An opening ceremony will be held before the initial salvo of action on Nov. 20 and 21.
Ayon kay Marcial, ang mga koponan sa PBA 3×3, gayundin sa 5-on-5 regulars, ay maaari nang magsimulang mag-ensayo subalit kailangang kumuha ng clearance sa local government units at sumunod sa protocols.
Ang Governors’ Cup ay tatampukan ng imports na may taas na 6-foot-6 pababa, sa pangunguna ng nagbabalik na si Justin Brownlee ng 2019 champion Barangay Ginebra at ng mga bagong mukha, kabilang si NBA veteran Shabazz Muhhamad ng Meralco.
Pinasalamatan ni Marcial ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa pangunguna nina Sec. Teddy Locsin at Usec. Dodo Dulay, at si Sen. Bong Go sa pagpapahintulot sa pagpasok ng imports sa bansa at sa paglalaro sa PBA.
Nakikipag-ugnayan na rin, aniya, ang pro league kay Pasig Mayor Vico Sotto bilang paghahanda sa 3×3 at sa season-ending Governors’ Cup. CLYDE MARIANO