PBA 3X3 LEG 1 CROWN SA GINEBRA

pba 3x3

NAUNGUSAN ng Barangay Ginebra ang San Miguel sa overtime, 19-17, upang kunin ang PBA 3×3 First Conference Season 3 Leg 1 title nitong Martes sa Ayala Mall Manila Bay.

Tumapos si Donald Gumaru na may 8 points, kabilang ang game-winning deuce na nagbigay sa Kings ng P100,000 premyo matapos ang mainit na bakbakan.

Nagtala si Kim Aurin ng all-around game na 5 points, 5 rebounds, at 5 assists, habang pinasahan si Gumaru para sa game winner.

Nagdagdag sina Ralph Cu at Raphael Salcedo ng 4 at 2 points, ayon sa pagkakasunod para sa Kings, na ginabayan ni coach Kirk Collier.

Ang lahat ng apat na Ginebra players ay bahagi rin ng roster ng koponan sa PBA On Tour.

Pinataob ng Kings ang Terrafirman Dyip sa semis, 17-13.

Masaklap ang pagkatalo ng Beermen, na naunang sinilat ang grand slam champion TNT at second seed Cavitex upang umusad sa finals.

Nagpasabog si Marvin Lee ng 15 points sa quarterfinals para sa Beermen na sinibak ang Triple Giga, 22-14, habang nanalasa si Ken Bono sa semis, tumapos na may 9 points at 11 rebounds sa 18-10 panalo ng San Miguel kontra Cavitex upang umabante sa title game.

Naiuwi ng Beermen ang P50,000 runner-up purse.

Ginapi ng Cavitex ang Terrafirma para kunin ang ikatlong puwesto, 21-15.

Iskor:
Third place:
Cavitex (21) – Ighalo 8, Gonzaga 6, Napoles 5, Fajardo 2.

Terrafirma (15) – Rios 9, Cachuela 2, Duremdes 2, Tan 2.

Finals:
Barangay Ginebra (19) – Gumaru 8, Aurin 5, Cu 4, Salcedo 2.

San Miguel (17) – Bono 8, Saldua 4, Lee 3, Apacible 2.