PBA 3X3 SEASON 3 LEG 1 LALARGA NA

PANGUNGUNAHAN ng multi-titied TNT ang mga koponan na mag-aagawan sa PBA 3×3 Season 3 Leg 1 honors simula ngayong Lunes sa Ayala Malls Manila Bay.

Nasikwat ng Triple Giga ang huling apat na conference crowns ng liga, kabilang ang makasaysayang grand slam sa Season 2, at walang planong magkampante laban sa 10 equally determined challengers.

Sisimulan ng top-seeded team nina Almond Vosotros, Lervin Flores, Ping Exciminiano at Gryann Mendoza starts ang kanilang kampanya sa Pool A laban sa No. 6 Pioneer Elastoseal Katibays at No. 7 Blackwater Smooth Razor.

Pangungunahan ng second seed Cavitex, na idinagdag sina 3×3 vet Tonino Gonzaga at Kenneth Ighalo sa solid core nina Dominick Fajardo at Jorey Napoles, ang Pool B kasama ang No. 5 San Miguel Beer, No. 8 Purefoods at debuting guest team Wilcon Depot bilang mga katunggali.

Ang No. 3 Meralco, na ibinalik si Joseph Sedurifa upang makasama nina Alfred Batino, Jeff Manday at Bryan Santos, ay nasa Pool C versus No. 4 Barangay Ginebra, No. 9 NorthPort at No. 10 Terrafirma.

Sinabi ni Triple Giga coach Mau Belen na handa sila sa mabigat na hamon mula sa mga katunggali.

“For this season, I believe mas angat ang competition because everyone already knows how to play (3×3 basketball),” aniya. “Some teams kept their core, others added new players so for me, it’s very exciting.”

Ang inisyal na target ng koponan ay ang tumapos sa Top 2 sa Pool A at Top 3 sa Pools B at C upang umusad sa knockout rounds sa Martes.

-CLYDE MARIANO