PBA 3X3: TNT, CAVITEX SA Q’FINALS

pba 3x3

MAGAAN na umabante ang Cavitex sa quarterfinals sa PBA 3×3 Season 3 Second Conference, na umarangkada nitong Lunes sa Ayala Mall Circuit sa Makati. 

Naitala ng Braves, runner-up sa TNT Triple Giga sa First Conference grand finals, ang back-to-back victories laban sa Blackwater (22-13) at Pioneer Elastoseal (18-14) upang maging top seeded team sa Pool A sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Leg 1 pool play.

Nanguna si dating 3×3 national player Jorey Napoles sa panalo ng Cavitex laban sa Blackwater na may 9 points sa 6-of-8 shooting, habang tumipa si Kenneth Ighalo ng 6 points at 6 rebounds sa panalo kontra Pioneer.

Samantala, bumawi ang Bossing sa pagkatalo sa Braves at pinataob ang Katibays, 21-8, upang kunin ang nalalabing quarterfinals seat sa parehong grupo.

Bukod sa Cavitex at Blackwater, umusad din sa susunod na round ang grand slam winner TNT, na kasalukuyang nangunguna sa Pool B na may 2-0 kartada.

Nanguna si Gryann Mendoza para sa Triple Giga sa pagliban ni top gun Almond Vosotros, kabilang ang game-high 11 points sa 21-18 panalo kontra San Miguel.

Nauna rito, nagbuhos si Mendoza ng 8 points upang tulungan ang TNT na maungusan ang guest team MCFA, 21-20.

Sumampa rin ang Purefoods TJ Titans sa knockout stage makaraang magwagi laban sa Barangay Ginebra, 17-16, at Terrafirma, 19-12, sa Pool C.

Ang iba pang quarterfinal berths ay pinaglalabanan hanggang press time at ngayong umaga sa pagtata- pos ngpool play.