NAGING matagumpay ang isinagawang PBA press conference para sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Conrad Hotel sa Pasay City kahapon.
Magbubukas ang 45th season ng PBA sa darating na Marso 8, Linggo, sa Smart Araneta Coliseum. Bago ang bakbakan ng San Miguel Beer at Magnolia ay igagawad ang Leo Awards para sa 44th season, kabilang ang Mythical Selection, Most Defensive Player, Rookie of the Year at Most Valuable Player.
Dumating ang governors ng mga team tulad nina AL Panlilio ng Meralco, PBA Chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa, Atty. Mamerto Mondragon ng Rain or Shine, Richard Bachman ng Alaska, Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra, Silliman Sy ng Blackwater, Demonsthenes Rosales ng Columbian, Eric Arejola ng NorthPort , Rodrigo Franco ng NLEX, Raymond Zorrilla ng Phoenix, Rene Pardon g Magnolia at Robert Non ng San Miguel Beer.
Mami-miss ng PBA followers ang laro nina June Mar Fajardo at Raymond Almazan na kapwa nadale ng iniury, gayundin si Greg Slaughter na hindi napigilan na ‘di mag-renew ng kontrata sa kampo ng Brgy. Ginebr para magpahinga muna. Sapat na umano ang apat na championships na kasama siya at anim na paglalaro sa kampeonato. Sinabi ni SMC Sports Director Alfrancis Chua na hindi niya nakausap nang personal si Slaughter at ‘di ito nakipag-usap sa management. Dagdag pa ni Chua, kapag expired na ang contract ng player ay hindi sila ang lumalapit sa player para mag-renew. Ang player ang dapat na magsasabi kung magre-renew ito.
Si Almazan naman ay nagtamo ng injury noong championship against Brgy. Ginebra. Pinilit lang nitong lumaro sa finals.
Maligaya ang PBA, kasama ang governors at team owners sa pagtatagumpay ng liga, lalo na’t maraming nanonood sa kanilang live streaming, gayundin sa Facebook account at YouTube. Pagdating sa sponsorship ay tumitiba ang PBA ngayon. Ayon kay Ricky Vargas, mag-e-enjoy ang fans ng PBA dahil mas magiging exciting ang bawat laro ng Philippine Cup ngayong taon.
Hindi makapaglalaro sina Jake Pascual at Dave Marcelo sa kampo ng Phoenix Pulse Fuel Masters. Si Marcelo ay may knee iniury habang si Pascual ay may ACL. Sayang kung kailan kailangan ang dalawa sa Fuel Masters.
Sa panig naman ng San Miguel Beer ay hindi sigurado kung makapaglalaro sa opening sina Terrence Romeo na nagkaroon ng Harmstring at Marcio Lassiter na nagkaroon ng fracture ang ilong sa tune up game nila against ROS.
Comments are closed.