NAISAPINAL na ang isang six-player, three-team trade na kinasasamgkutan nina veteran Troy Rosario at young guns Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser.
Ang blockbuster trade ay sisimulan kina Rosser at unrestricted free agent Paul Desiderio na mapupunta sa NLEX kapalit ng duo nina rising star Oftana at big man Raul Soyud.
Dadalhin naman ng Bossing si Oftana – nadagdag kamakailan sa Gilas Pilipinas pool ni TNT at national coach Chot Reyes – at Soyud sa TNT para kina Rosario at Gab Banal.
Naisumite na ang trade papers sa PBA office para sa approval nito
Ang trade ay tutuldok sa halos seven-year stint ni Rosario sa telecommunication franchise, na kumuha rin sa kanya sa isang three-way trade noong 2015 makaraang mapili bilang No. 2 overall pick ng KIA franchise.
Noong nakaraang taon ay nagwagi rin sa wakas si Rosario ng fPBA championship nang pagharian ng Tropang Giga ang Philippine Cup sa isang bubble set-up sa Bacolor, Pampanga.
Subalit nanamlay ang produkto ng National University ngayong season, at hindi naramdaman ang kanyang presensiya sa katatapos na all-Filipino title series kung saan natalo ang TNT sa San Miguel, 4-3.
Si Rosario ay may average lamang na 6.4 points at 3.7 rebounds sa best-of-seven series.
Subalit kapalit ng pagpapakawala kay 6-foot-7 Rosario ay nakuha ng Tropang Giga si Oftana.
Ang No. 3 overall pick sa draft noong nakaraang taon ang No. 1 scorer ng NLEX ngayong season, na may average na 17.0 points, 7.8 rebounds, at 2.8 assists na sa kasalukuyan ay promising year para sa dating NCAA MVP.
Sa pagkuha ng Road Warriors kay Ganuelas-Rosser ay lumakas ang kanilang interior game na naging waterloo nila.