LIMANG tulog na lang ay aarangkada na ang 44th season ng PBA sa Philippine Arena. Ang buena manong laro ay sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng TNT Ka Tropa. Pero bago magsimula ang laro ay igagawad muna ang Leo Award para sa 43rd season. Sa opening ceremonies ay paparada ang mga naggagandahang muses ng 12 teams.
Samantala, naging matagumpay ang press briefing para sa 44th PBA Season na ginawa sa Conrad Hotel, malapit sa MOA Arena. Pinangunahan ito ng mga PBA Governor tulad nina Dicky Bachman ng Alaska, Sillyman Sy ng Blackwater, Atty. Raymond Zorilla ng Phoenix, Al Panlilio ng TNT Ka Tropa, Atty. Mon Mondragon ng Rain or Shine, Robert Non ng San Miguel Beer, Alfrancis Chua ng Brgy. Ginebra, Erick Arejola ng NorthPort, Mr. Fernandez ng Columbian Dyip, Rene Pardo ng Magnolia at Mr. Franco ng NLEX.
Habang ang muses ng mga koponan ay sina Yam Concepciob (Phoenix), Pia Wurtzback (Brgy. Ginebra), Aya Fernandez (NorhtPort), Alyssa Valdez (NLEX), Jazmin Aleadi (Blackwater), Cayle Berzola (SMB), Sharon Cuneta (Magnolia), Annie Muzon (RoS) at Klea Pineda (Alaska).
Good luck sa lahat ng teams na kalahok sa All-Filipino Conference.
Bukas naman gaganapin ang kauna-unahang PBA Media Day. Ang pagkakaalam ko, ang star players ng bawat team ay papupuntahin ng kani-kanilang management upang makiisa at makisaya. Tsika pa namin, posibleng pati fans ay dumating sa Media Day.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na posibleng magkaroon ng apat na out of town games ang PBA ngayong conference, kabilang ang dalawa sa Davao, Zamboanga, Cagayan de Oro at tatlong internatonal games na ‘di pa nabanggit kung saan.
Balik-hardcourt si Marc Pingris sa Magnolia Hotshots pagkatapos ng halos walong buwang pahinga dahil sa ACL. Na-miss ni Pingris ang paglalaro sa Govenors’ Cup lalo na’t nag-champion ang kanyang team. Ayon kay Rene Pardo, makakasama na nila si Pingris sa All-Filipino Conference. Welcome back, Marc.
Comments are closed.