BACOLOD – Pormal na magbubukas ang Blitz Game and Skills Challenge sa PBA All-Star festivities ngayong Sabado sa University of St. La Salle gymnasium.
Aarangkada ang Obstacle Course ng mid-season spectacle sa alas-3 ng hapon bago tuldukan ng salpukan sa pagitan ng Team Greats at Team Stalwarts ang opener ng two-day event na nagbabalik sa City of Smiles sa unang pagkakataon magmula noong 2008.
Idedepensa ni Dave Marcelo ng NLEX ang kanyang titulo sa Obstacle Challenge, kung saan sasamahan siya nina veterans Raymond Almazan (Meralco), Jason Perkins (Phoenix), Mo Tautuaa (San Miguel), at youngsters Clifford Jopia (Blackwater), Justin Arana (Converge), James Laput (Magnolia), JM Calma (NorthPort), Leonard Santillan (Rain or Shine), Isaac Go (Terrafirma), Brandon Ganuelas-Rosser (TNT), at late entry Ralph Cu (Barangay Ginebra), na papalit kay teammate Christian Standhardinger.
Hinubaran ng korona ni Marcelo si Beau Belga sa contest noong nakaraang taon sa Passi City, Iloilo.
Samantala, target ni Magnolia’s Paul Lee ang back-to-back wins sa Long Distance Three-Point shootout ng mga guard.
Si Lee, tinalo sina Marcio Lassiter (San Miguel) at Juami Tiongson (Terrafirma) para sa titulo noong nakaraang taon, ay muling mapapalaban sa formidable cast ng deadly gunners sa katauhan nina Maverick Ahanmisi (Barangay Ginebra), two-time winner James Yap (Blackwater), Alec Stockton (Converge), Chris Newsome (Meralco), Robbie Herndon (NLEX), Arvin Tolentino (Northport), Ken Tuffin (Phoenix), Andrei Caracut (Rain or Shine), Javi Gomez de Liano (Terrafirma), Calvin Oftana (TNT), at Lassiter.
Sa ikalawang bersiyon ng Three-Point shootout, 12 sa big men ng liga ang magbabakbakan bilang kapalit ng tradisyunal nal Slam Dunk contest.
Karamihan sa players na lalaro sa Obstacle Challenge ay lalahok din sa event, maliban kina Christian David (Blackwater) at Keith Zaldivar (Converge).
Ang main offering ay ang paghaharap ng Team Greats ni Brandon Ganuelas-Rosser at Team Stalwarts ni Kyt Jimenez sa alas-6:15 ng hapon.
Pangungunahan ni Ganuelas-Rosser ang Team Greats na kinabibilangan din nina de Liano, Tuffin, Jerrick Ahanmisi, Arana, Cu, Caracut, RK Ilagan, Stockton, Gian Mamuyac, Laput, at Shaun Ildefonso. Ang coach ng koponan ay si Patrick Partosa ng Barangay Ginebra.
Makakasama ni Jimenez sa Team Stalwarts sina Stephen Holt, David, Fran Yu, John Amores, Adrian Nocum, Kim Aurin, Calma, Joshua Munzon, Anton Asistio, Santillan, at Zaldivar. Si Peter Martin ng San Miguel ang gagabay sa koponan. Pinataob ng Team Greats ang Team Stalwarts, 158-138, sa event na tinatampukan ng rookie, sophomore, at junior players sa last year’s staging na kinabibilangan din ng three-point dunk at four-point line sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng All-Star.
CLYDE MARIANO