MAGIGING labanan sa pagitan ng ‘quickness at heft’, at ng ‘athleticism at height’ ang 2019 PBA All-Star Game.
Matapos ang mahigit isang buwang botohan ibinunyag kahapon ng PBA ang All-Star starters.
Ang starting unit ng North team ay binubuo nina LA Tenorio, Paul Lee, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, at Marcio Lassiter, habang ang South team starting unit ay kinabibilangan ng twin tower combination nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, James Yap, Mark Barroca, at Scottie Thompson.
Sina Thompson at Barroca ang top vote-getters sa fans sa huling dalawang edisyon ng All-Stars, ayon sa pagkakasunod.
Ang All-Star event ngayong taon ay bumalik sa dati nitong format na idaraos ang mga laro sa iisang venue lamang. Nakatakda ang festivities sa Marso 29-31, kung saan ang All-Star Game ay gaganapin sa Marso 31 sa Calasiao, Pangasinan.
Sa huling dalawang seasons ay dinala ng liga ang All-Star weekend sa buong bansa, lumibot sa Luzon, Visayas at Mindanao.