PBA: BAGONG IMPORTS IPAPARADA NG 5 KOPONAN

LIMANG koponan ang magpaparada ng bagong imports sa nalalapiit na PBA Season 46 second conference.

Pinangungunahan ng reigning Philippine Cup champion TNT Tropang Giga ang listahan kung saan ipaparada nito si McKenzie Moore.

May bago ring import ang Meralco sa katauhan ni Shabazz Muhammad bilang kapalit ni resident import Allen Durham.

Kakaliskisan naman para sa Terrafirma si Antonio Hester ng University of Mobile, habang kinuha ng Blackwater si  Jaylen Bond ng Temple University at ng  NorthPort si  Cameron Forte ng Portland State.

Mga dating imports naman ang makakatuwang ng Barangay Ginebra (Justin Brownlee), Magnolia (Mike Harris), Phoenix Super LPG (Paul Harris), Rain or Shine (Henry Walker), San Miguel Beer (Brendan Brown), NLEX (KJ McDaniels) at Alaska Milk (Olu Ashaolu).

Nawala sa roster si Durham na kasalukuyang naglalaro para sa Ryukyu Golden Kings sa Japanese B. League.

Isang perennial contender sa Governors’ Cup kasama si Durham, patuloy na magtatangka ang Bolts sa kanilang unang PBA crown sa tulong ni Muhammad, na isang lehitimong  NBA veteran.

Pinili bilang No. 14 overall sa 2013 NBA draft, si Muhammad ay naglaro ng limang  seasons sa Timberwolves at pagkatapos ay sa Milwaukee Bucks.

Mula 2018, si Muhammad ay naglaro sa Chinese league, kung saan may averages siya na 29.8 points at 11.2 rebounds para sa Shanxi Loongs noong 2018-19 at 23.5 markers at 9.3 boards para sa Shenzhen Aviators sa sumunod na season.

Sina Muhammad, Bond at  Forte ay pawang 28-anyos.

Si Bond ay galing sa Bahraini Premier League sa Al-Muharraq team habang si Forte ay sariwa sa kanyang kampanya sa  Green London Lightning sa Canadian league.

Samantala, sinabi ni Barangay Ginebra San Miguel head coach Tim Cone na anumang araw ay darating na sa bansa si Brownlee.

“We’re just finishing his paperwork and expect him to arrive any day now. We hope to practice with him ASAP. He’ll join us perhaps in Batangas,” ani Cone.

Pinangunahan ni Brownlee, na huling naglaro sa Al Sharjah sa UAE Basketball League, ang Ginebra sa apat na kampeonato sa nakalipas na limang taon, at maglalaro sa kanyang ika-8 conference sa Gin Kings.

Kinuha naman ng 2021 Philippine Cup runners-up Magnolia Pambansang Manok Hotshots si Harris dahil sa pagiging lider at sa malawak na international experience nito, ayon kay head coach Chito Victolero told CNN Philippines.

“He’s a proven winner. He has a vast international experience and has a proven leadership,” wika ni Victolero. “He’s an all-around player and we need him especially in scoring down the stretch.”

Si Harris ay hindi estranghero kay Victolero at sa karamihan sa Hotshots players dahil tinalo nila ito at ang Alaska Aces para sa 2018 Governors’ Cup title.

Ang 6-foot-6 veteran international player mula sa Hillsboro, Texas ang napiling Best Import ng conference noong taong iyon.

Ayon kay Victolero, ang 38-anyos na si Harris ay huling naglaro sa isang liga sa Bahrain noong nakaraang Hulyo, kung saan pinangunahan niya ang kanyang koponan sa kampeonato, at nakopo ang Finals Most Valuable Player award.

Umaasa si PBA commissioner Willie Marcial na masisimulan ang import-laden conference ng 2021 season sa katapusan ng November, kung papayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.