ISINABIT na ni veteran guard Cyrus Baguio ang kanyang jersey matapos ang 17 taong paglalaro sa PBA.
Si Baguio ay huling naglaro para sa NLEX, kung saan pumirma siya ng contract extension sa franchise bago ang 2020 season.
Sa kasawiang-palad, ang 40-anyos ay hindi nakapaglaro sa PBA Philippine Cup na idinaos sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.
Malaking bahagi ng career ni Baguio ay ginugol niya sa Alaska, kung saan nanalo siya roon ng tatlong kampeonato, bago lumipat sa Phoenix at pagkatapos ay sa NLEX.
Si Baguio, nanguna para sa University of Santo Tomas sa kolehiyo, ay co-Finals Most Valuable Player ng 2010 Fiesta Conference kasama si LA Tenorio. Siya ang Most Improved Player noong 2008, dalawang beses na napabilang sa Mythical Second team ng liga, at 11-time All-Star. CLYDE MARIANO
Comments are closed.