PBA BALIK-AKSIYON

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

12:30 p.m. – TNT vs Blackwater

3 p.m. – San Miguel vs Terrafirma

6 p.m. – Meralco vs Magnolia

MATAPOS ang halos isang buwang pahinga ay magbabalik ang aksiyon sa PBA Season 46 Philippine Cup sa pagdaraos ng kapana-panabik na tripleheader sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga ngayong Miyerkoles.

Itataya ng TNT Tropang Giga (3-0) ang malinis na marka sa pakikipagtipan sa wala pang panalong Blackwater (0-4) sa unang laro sa alas-12:30 ng hapon.

Susundan ito ng salpukan ng San Miguel Beer (3-1) at Terrafirma (0-4) sa alas-3 ng hapon habang magbabakbakan ang Meralco (4-1) at Magnolia (4-0) sa huling laro sa alas-6 ng gabi.

Nagpapasalamat si PBA commissioner Willie Marcial at ang mga miyembro ng PBA board of governors kina Pampanga Gov. Dennis Pineda, Cong. Dong Gonzales at sa mga miyembro ng DHVSU board of trustees sa pagpapahintulot sa pagpapatuloy ng torneo na nahinto dahil sa pagsasailalim sa NCR Plus sa pinakamahigpit na quarantine status.

Sa kanilang pagbabalik-aksiyon ay magpapatupad ang PBA ng pinahigpit na health and safety protocols kung saan mahaharap sa mabigat na parusa ang mga violator. Bahagi ng guidelines ay ang regular RT-PCR test tuwing Lunes at antigen testing sa umaga ng bawat game day.

Magkahalo ang nararamdaman ng TNT at Blackwater sa kanilang paghaharap.

“A bit of excitement and apprehension,” pahayag ni Tropang Giga coach Chot Reyes.

“The former over the fact we’re finally getting to play. The latter because we don’t know what shape we will be,” sabi pa ni Reyes.

Ganito rin ang nararamdaman ni Blackwater coach Nash Racela, at sinabing hindi niya alam kung ano ang ipakikita ng Bossing kasunod ng isang linggo lamang na scrimmages magmula nang pumasok sa lalawigan noong Lunes ng nakaraang linggo.

“We tried our best with the preparation time given us, which is one week, to get back into condition, to get back our timing,” ani Racela.

“Hopefully, again, one week would be enough.”

Target ng TNT na manatiling walang dungis at umangat sa 4-0 kartada, habang sisikapin ng Blackwater na mailista ang kanilang unang panalo matapos ang limang pagtatangka.

“Makaisang panalo lang naman magtutuloy-tuloy na, hopefully,” wika ni Racela.

Para makatulong sa koponan ay in-activate ng Blackwater sina Frank Golla at  Carl Bryant Cruz.

“They’re both not yet 100 percent, but the hope is for them to be able to contribute kahit limited minutes lang muna,” dagdag ni Racela. CLYDE MARIANO

178 thoughts on “PBA BALIK-AKSIYON”

  1. 375014 606403Hello. Cool write-up. Theres an problem with the web site in internet explorer, and you might want to test this The browser will be the marketplace chief and a large element of other folks will miss your great writing due to this difficulty. 116517

  2. 580132 634759Hi, you used to write outstanding articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous posts. Past couple of posts are just a little out of track! 498498

  3. 869950 220059Exceptional post even so , I was wanting to know in case you could write a litte far more on this topic? Id be very thankful if you could elaborate just a little bit more. Thanks! 245485

Comments are closed.