PINAG-IISIPAN ng Philippine Basketball Association (PBA) na buksan ang 2021 Governors’ Cup na may live fans sa venue habang hinihintay ang approval ng pamahalaan na idaos ng liga ang import-laced conference sa Metro Manila.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, pangunahing prayoridad ng liga ngayon na maibalik ang mga laro sa National Capital Region (NCR) makaraang isagawa ang 2021 Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) aa Bacolor, Pampanga.
Kapag pinayagang maglaro sa Metro Manila, sinabi ni Marcial na hihingin ng liga ang pahintulot ng gobyerno na makapanood nang live ang fans.
“We will first make sure that we are allowed to hold the games in NCR then after that, we will write another letter to IATF (Inter-Agency Task Force) regarding allowing fans,” sabi ni Marcial.
“We are looking forward to that since the government has already allowed the reopening of cinemas.”
Target ng liga na simulan ang reinforced conference sa ikato o ika-4 na linggo ng Nobyembre.