PBA BUBBLE SA CLARK (45th season magbabalik sa Oct. 9)

Willie Marcial

PINILI ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Clark sa Pampanga bilang venue para sa pagpapatuloy ng 45th season nito.

Hinihintay ang pahintulot ng Inter-Agency Task Force, ang mga koponan ay magdaraos ng scrimmages simula  Sept. 27.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang official season restart ay magsisimula sa October 9. Dalawang games ang lalaruin araw-araw.

Ang liga ay gagamit ng isang bubble format tulad sa National Basketball Association, kung saan ang mga player, coach, at staff ay titira sa isang lugar.  Sa kaso ng PBA, ito ay ang Quest Hotel sa Mimosa, Clark, kung saan ang mga atleta ay susunduin at ihahatid mula sa practice facility at playing area.

Ang mga laro ay gaganapin sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, na ginamit sa 30th Southeast Asian Games noong December 2019.

Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, plano ng liga na tapusin ang lahat ng laro at magkaroon ng kampeon para sa Philippine Cup bago mag-Pasko.

“We’re ready and we’re excited,” wika ni Vargas, kumpiyansa na walang magiging problema sa pagbabalik ng liga.

“If we can start tomorrow, we would start tomorrow. The Commissioner’s Office has done a good job with the plans, and they’re ready to execute as soon as we’re given the go-signal,” dagdag ni Vargas.

Comments are closed.