ISINABIT na ni veteran forward Harvey Carey ang kanyang jersey matapos ang 19 taong career sa PBA, na ginugol niya sa Talk ‘N Text franchise.
Sinabi ni Ricky Vargas, ang team governor ng TNT Tropang Giga, na nauunawaan nila ang desisyon ni Carey na manatili sa kanyang pamilya sa Amerika.
“I am personally grateful to Harvey for his loyalty, honesty and contributions to the team. He has been a quiet pillar of strength in building the TNT culture,” wika ni Vargas.
“We wish Harvey the very best as he moves on and our doors will always be open to Harvey,” dagdag pa ni Vargas.
Si Carey ay fourth overall pick ng TNT sa 2003 PBA Rookie Draft. Nagwagi siya ng pitong kampeonato sa koponan, at isang All-Star noong 2011.
Kabilang din siya sa Second Mythical Team noong 2003 at naging bahagi ng All-Defensive Team in 2007.
Sa kanyang huling season sa Tropang Giga, si Carey ay may average na wala pang isang puntos at 1.8 rebounds per game, kung saan naglaro siya ng spot minutes para sa TNT team na umabot sa PBA All-Filipino Cup finals. CLYDE MARIANO
Comments are closed.