NALUSUTAN ng Cignal-Ateneo ang matamlay na first half upang pataubin ang Chadao-FEU, 67-60, at kunin ang isang puwesto sa semi-finals sa 2019 PBA D-League kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Binura ng Blue Eagles ang 11-point deficit sa second quarter, umatake sa third frame bago nagsanib-puwersa sina Jolo Mendoza, Thirdy Ravena at Ange Kouame para selyuhan ang panalo.
“Our mentality was to take it possession by possession,” wika ni Cignal-Ateneo lead assistant coach Sandy Arespacochaga patungkol sa kanilang paghahabol.
Nanguna si Kouame para sa Ateneo na may 14 points, 14 rebounds, at 3 blocks, habang nagdagdag si Ravena ng 10 points, 6 boards, 3 assists, at isang steal.
Pinangunahan nina Kouame at Ravena ang 21-7 run ng Ateneo sa second at third quarters upang kunin ng Blue Eagles ang 39-38 kalamangan.
Makakasagupa ng Cignal-Ateneo sa semis ang magwawagi sa pagitan ng Che’Lu Bar and Grill at ng Valencia City-San Sebastian.
Nagbida si Cade Flores para sa Chadao-FEU sa kinamadang 14 points at 7 rebounds. Si Joseph Nunag ang tanging Tamaraw na nagtala ng double figures na may 10 markers, at kumalawit ng tatlong rebounds.
Iskor:
Cignal-Ateneo (67) – Kouame 14, Ravena 10, Go 8, Ma. Nieto 6, Navarro 5, Andrade 5, Mendoza 5, Tio 4, Belangel 4, Mamuyac 2, Mi. Nieto 2, Daves 2.
Chadao-FEU (60) – Flores 14, Nunag 10, Comboy 9, Bienes 8, Stockton 7, Tuffin 6, Tchuente 4, Mantua 0, Gonzales 0, Cani 0, Casino 0.
QS: 11-17, 32-36, 48-46, 67-60.
Comments are closed.