PBA D-LEAGUE: ST. CLARE MINASAKER ANG HYPERWASH

PBA D-League

MULING nagpasiklab ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare nang tambakan ang Hyperwash, 129-72, sa 2019 PBA D-League Foundation Cup, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagbuhos si Malian slotman Mohammed Pare ng 25 points, 6 rebounds, at 3 assists upang pangunahan ang Saints.

Nag-ambag sina Jhaps Bautista ng 23 points, Cris  Dumapig ng 15 at Ray Rubio ng 11 markers sa blowout victory ng Saints.

“Hindi naman sa inaano ko ‘yung kalaban pero hindi kami na-push to the limit. Kita ninyo naman puro open court game eh kaya hindi ko pa rin talaga ma-test kung hanggang saan ‘yung tibay ng team as far as dun sa system na gusto ko i-apply,” wika ni  coach Stevenson Tiu.

Nadominahan ng Saints ang laro kung saan kumarera ito sa 18-5 lead sa pagsisi­mula ng sagupaan.

Abante sila sa 72-39 sa  half tungo sa impresibong panalo.

Bumuslo ang St. Clare ng 62% mula sa field, kabilang ang 40% mula sa 3-point area, at nagbigay ng  42 assists.

Umangat ang  Saints sa  2-0 kartada at sumalo sa  liderato sa Group A kasama ang Technological Institute of the Philippines (TIP), na maka-kasagupa nila sa Lunes.

Tumipa si Khasim Mirza ng 21 points at 6 rebounds upang pangunahan ang Hyperwash na nahulog sa 0-2.

Iskor:

BRT SUMISIP-ST. CLARE (129) – Pare 25, Bautista 23, Dumapig 15, Lunor 13, Manacho 10, Rubio 11, Ng 8, Fontanilla 5, Palencia 4, Rivera 4, Tiquia 4, Penaredondo 3, Santos 2, Hallare 2, Decano 0.

HYPERWASH (72) – Mirza 21, Fortuna 16, Montilla 12, Cawaling 10, Dadjilul 9, Cariaga 3, Ferrer 1, Jumao-as 0, Julkipli 0.

QS: 34-18, 72-39, 99-54, 129-72