DINISPATSA ng Wangs Basketball ang The Masterpiece Clothing-Trinity University of Asia, 89-69, para sa kanilang unang panalo sa 2019 PBA D-League kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nanguna si dating Far Eastern University forward Arvin Tolentino para sa Couriers sa kinamadang 13 points at 10 rebounds mula sa bench, habang bumuslo ng 3-of-8 sa 3-point area.
Nag-ambag si Axel Iñigo ng 12 points, 6 rebounds, at 4 assists, habang gumawa si Radge Tongco ng 13 points, 5 assists, at 3 boards.
“Sobrang saya namin kasi nakita naman namin ang effort. Lahat ng pinaghirapan namin, nagbunga,” wika ni coach Pablo Lucas.
Kumawala ang Wangs sa third quarter, sa pangunguna nina Tolentino at Daryl Singontiko na sinindihan ang 23-point outburst, upang kunin ang 67-47 kalamangan sa huling bahagi ng naturang quarter.
Napalobo nila ang bentahe sa 76-51 sa kaagahan ng fourth quarter.
Nanguna si Michael Canete para sa White Stallions na may 19 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Levi dela Cruz ng 11 points, 6 rebounds, 5 assists, at 5 steals.
Iskor:
Wangs Basketball (89) – Tolentino 13, Tongco 13, Inigo 12, Gerero 12, Santos 10, De Mesa 8, Singontiko 6, Estrella 6, Bulawan 4, Vito 3, Padua 2, Lucas 0, Lim 0, Brojan 0, Wong 0.
The Masterpiece Trinity (69) – Canete 19, Dela Cruz 11, Balucanag 8, Mandreza 5, Concepcion 5, Villoria 5, Abanes 5, Biteng 4, Reyes 4, Nidoy 3, De Guzman 0, Montero 0.
QS: 24-20, 44-35, 67-48, 89-69