KUNG makararating sa oras ang lahat ng imports, ang PBA Season 46 Governors’ Cup ay aarangkada sa Nob. 28 — ang conference na target ng liga na maibalik ang fans sa playing venue.
Umaasa ang mga opisyal ng PBA na papayagan ng Inter-Agency Task Force ang fans na muling makapanood ang fans sa venue sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
“We’re back and we hope to come back stronger in the second conference. We started from zero, then we’re able to hold one conference, and we’re looking at a second conference this season hopefully with the fans inside the playing venue,” sabi ni PBA board chairman Ricky Vargas.
Nangako si PBA commissioner Willie Marcial na pasasayahin ang fans, lalo na sa Araw ng Pasko.
“Pasasayahin natin ang crowd, ang PBA fans. Meron na tayong pinag-iisipang mga promos, including libreng tickets sa venue,” sabi ni Marcial.
Umaasa ang PBA officials na papayagan sila ng IATF, lalo na’t pinayagan na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga sinehan.
“Idudulog natin lahat sa IATF. We’ll coordinate with them everything. Malamang niyan kung ano ang pinayagan nila sa movie houses, ‘yun din ang ibibigay sa atin. And we’re ready to follow,” ani Marcial.
Sabik na rin si Vargas na makabalik ang fans.
“We’re excited about the second conference. It’s going to be a conference with imports, and we’re looking forward to having our fans back. Yan ang pangarap namin. It’s been two years. We’re looking forward to having them again as part of our tournament,” sabi ni Vargas.
Subalit kahit walang crowd sa Clark bubble at sa Bacolor semi-bubble, sinabi ni Vargas na nagpapasalamat sila sa lahat ng tumulong sa pagbabalik ng PBA.
“The success of our hosting games is based on cooperation with the government. The Department of Health, the national government and the local government allowed us to do it. Napaka-important ng cooperation,” aniya.
At determinado ang league officials na makausad, umaasang makababalik na sa normal sa lalong madaling panahon.
“Gusto ko sana sa opening, puwede na ang fans, at pupunuin ko iyan. It’s a joyous occasion for us to get the fans watch the PBA games again,” dagdag ni Vargas.