NAGKASUNDO ang PBA Board of Governors na ipagpatuloy ang mga laro sa Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hinihintay na lamang ng liga ang pahintulot ng local government units, sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nang sa gayon ay makapagsimula na ang mga koponan ng scrimmages.
Ang lahat ng koponan ay bibigyan ng 10 araw ng scrimmages bago ipagpatuloy ng liga ang import-laden conference.
Sinuspinde ng PBA ang mga laro “indefinitely” dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.
Kahapon, Enero 24, ay iniulat ng Department of Health (DOH) ang 24,938 bagong infections, dahilan upang umakyat ang nationwide tally sa 3,442,056. CLYDE MARIANO