ISINABIT na ni JC Intal ang kanyang jersey.
Inanunsiyo ng 6-foot-3 Phoenix Pulse forward ang kanyang pagreretiro sa isang mahabang Facebook post noong Linggo ng gabi, bago ang dapat sana’y ika-14 na season niya sa PBA.
“It is a bittersweet feeling for me to say goodbye to the game that has been a huge part of my life, but I am moving forward feeling happy and proud, knowing I made the most of the privilege to play basketball professionally,” pahayag ni Intal, na nagretiro sa edad na 37.
Ang fourth pick ng Air21 sa 2007 draft sa likod nina Joe Devance, Samigue Eman at Ryan Reyes, ang produkto ng Ateneo ay may tatlong All-Star memberships, isang championship sa Barangay Ginebra at naging miyembro ng national team sa 2015 Jones Cup at sa sumunod na FIBA Asia Championships.
Mayroon siyang career-best average na 12.8 points, 5.7 rebounds at 1.9 assists sa Barako Bull nang kunin ng Tab Baldwin-mentored Gilas team para sa 2015 Changsha Asian tilt kung saan nagwagi ang Nationals ng silver medal.
Sa pagtatapos ng kanyang 13-year PBA career, si Intal ay may career norms na 7.2 points, 3.6 rebounds at 1.3 assists.
“It has been the honor of my life to play basketball,” sabi ni Intal, isang high flyer at gunner na naglaro ng high school ball sa Letran bago lumipat sa Ateneo para sa college play, pagkatapos ay nagkaroon ng initial stints bilang national player habang nasa PBL noong kalagitnaan ng 2000s
Subalit ang kanilang silver-medal feat sa Changsha ang maaaring pinakamalaking highlight ng kanyang career.
Nagpasalamat si Intal sa lahat ng kanyang naging coach, lalo na kay Baldwin “who gave me my biggest break when he invited me to be part of Gilas Pilipinas.”
Sa Changsha ay nakasama niya sina Terrence Romeo, Calvin Abueva, Jayson Castro, Gabe Norwood, Matt Ganuelas-Rosser, Dondon Hontiveros, Asi Taulava, Marc Pingris, Ranidel de Ocampo, Sonny Thoss at Andray Blatche kung saan naduplika nila ang runner-up feat ng naunang Gilas team sa 2013 Manila joust.
Tinulungan din niya ang Phoenix sa semifinal finish sa 2020 PBA Philippine Cup bubble bago isinabit ang kanyang jersey. CLYDE MARIANO
589408 540337Looking forward to move into another hous?! […]Real estate busines is finding far more and far more less protitable, have a look at why[…] 285886