PBA, MMDA SANIB-PUWERSA

Benhur Abalos

BUMISITA kahapon si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa headquarters ng ahensiya sa Makati City.

Sa kanilang maikling pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga paraan para sa pagbuo ng mas malakas na koordinasyon at kooperasyon, partikular sa panahong ito ng pandemya.

Humingi rin si Marcial ng paglilinaw at gabay mula sa MMDA chief hinggil sa umiiral na kautusan at regulasyon ng  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa contact sports tulad ng basketball.

“Basketball is the Filipinos’ national pastime. But there is no denying that the PBA is struggling now because of the pandemic,” ani Abalos.

Nangako si Abalos na tutulungan ang PBA at ang basketball industry sa kabuuan.

Bubuo ang MMDA at PBA ng mga isasagawang aksiyon na magiging katanggap-tanggap sa  IATF.

“We have to ensure the safety of everyone, not only the players, but the general viewing public. We cannot compromise the health and well-being of all,” pagbibigay-diin ni Abalos.

Ang pagtigil ng PBA sa panahon ng pandemya ay nakaapekto sa kabuhayan ng mga indibidwal at pamilya ng mga empleyado ng sports organization, member teams, gayundin ang mga direkta o hindi direktang may kinalaman sa operasyon ng liga.

Nangako ang PBA na mahigpit na susunod sa minimum health standards ng pamahalaan at pananatilihing ligtas ang mga  player, opisyal at lahat ng mga may kinalaman sa pagdaraos ng mga laro sa sandaling payagan ang liga na magbukas sa Metro Manila. CLYDE MARIANO

9 thoughts on “PBA, MMDA SANIB-PUWERSA”

  1. 661433 177308Your writing is fine and gives food for thought. I hope that Ill have much more time to read your articles . Regards. I wish you that you regularly publish new texts and invite you to greet me 398933

  2. 90521 742931My brother suggested I would possibly like this blog. He was once entirely right. This submit truly created my day. You cant believe just how so much time I had spent for this details! Thank you! 325427

Comments are closed.