PBA: PAGSUSUMITE NG REQUIREMENTS NG FIL-FOREIGN DRAFT APPLICANTS EXTEND-ED

Willie Marcial

BINIGYAN ng PBA ang  Filipino-foreign draft applicants ng hanggang Marso para isumite ang kanilang requirements.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, 18 sa 31 Fil-foreign rookie hopefuls ang hindi pa nagsusumite ng kanilang draft requirements.

“Binigyan sila ng extension, pero ‘di na tayo tatanggap (ng bagong applicants),” ani Marcial.

“Kung may kulang sila, makakapag-submit sila hanggang March 5.”

Ilan sa potential top picks sa nalalapit na Rookie Draft ang mga Fil-foreign, kabilang sina  De La Salle University’s Jamie Malonzo at 3×3 star Joshua Munzon.

Ang Fil-foreign draft applicants ay kinakailangang magsumite ng certificate of recognition mula sa Bureau of Immigration (BI) at affirmation mula sa Department of Justice (DOJ). Maaari rin silang magsumite ng Certificate of Identification kapalit ng mga dokumento mula sa BI at  DOJ.

Pinalawig ni Marcial ang deadline ng submission dahil maraming Fil-foreign draft applicants  ang hindi naproseso ang kanilang mga dokumento dahil sa COVID-19 pandemic.

Comments are closed.