BALIK ang PBA sa dati nitong format para sa season opening Philippine Cup.
Aabante pa rin ang top eight sa quarterfinals, kung saan tangan ng no. 1 at no. 2 teams ang twice-to-beat advantages laban sa no. 8 at no. 7 ranked squads.
Makakaharap naman ng no. 3 seed team ang no. 6, at ng no. 4 ang no. 5 sa isang best-of-three series.
Maglalaro ang top four teams sa best-of-seven semifinals, kung saan ang dalawang matitirang koponan ang magsasalpukan para sa korona sa best-of-seven finals.
Para mabilis na matapos ang eliminations, lalaruin ang triple headers tuwing Miyerkoles, Biyernes at Linggo at double headers tuwing Sabado bago ang simula ng inaugural 3×3 tournament.
Noong nakaraang taon sa bubble season, sinikap ng liga na i-compress ang all-Filipino Cup schedule sa loob ng dalawang buwan.
Bagaman pinanatili nito ang single round robin format sa eliminations, ang setup sa playoff ay bahagyang binago kung saan ang Top 4 teams sa pagtatapos ng eliminations ay may twice-to-beat edge kontra nos. 5 hanggang 8 teams, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Gayunman ay pinaikli ang semifinals sa best-of-five series, subalit pinanatili ang best-of-seven series format sa finals. CLYDE MARIANO
432757 816211appreciate the effort you put into finding us this details. Was looking on google and found your post randomly. 909368
198103 227181Specific paid google internet pages offer complete databases relating whilst personal essentials of persons whilst range beginning telephone number, civil drive public records, as properly as criminal arrest back-ground documents. 545138