PINALAWIG ng PBA ang application deadline para sa nalalapit na 2018 Rookie Draft sa Disyembre 10.
Una nang itinakda ang deadline para sa local players sa Disyembre 3.
Ang extension ay magbibigay sa mga player ng Ateneo at University of the Philippines ng panahon na magsumite ng kanilang aplikasyon sakaling magpasiya silang umakyat sa PBA matapos ang UAAP Sea-son 81 men’s basketball finals.
Gayunman ay nilinaw ni PBA commissioner Willie Marcial na ang hakbang ay hindi ginawa para ma-accommodate ang mga naglalaro pa sa UAAP finals.
“The PBA board has been mulling the extension as early as the semifinals (of the PBA Governors’ Cup). We have nothing to lose with the extension and maybe there are still players who want to catch up with the application,” wika ni Marcial.
Ang PBA Rookie Draft ay nakatakda sa Disyembre 16 kung saan ang two-day draft combine ay gaga-napin sa Disyembre 12 at 13.
Kabilang sa mga nagsumite na ng aplikasyon sina two-time ASEAN Basketball League MVP Ray Parks, high-scoring guard Robert Bolick ng San Beda, highly-sought big man Abu Tratter, triple-double ma-chine Bong Quinto at Letran teammate JP Calvo.
Ang iba pang kilalang players na lalahok sa draft ay sina San Sebastian hotshot Bong Calisaan, MJ Ayaay ng Lyceum, dating UAAP Rookie of the Year Kyles Lao ng UP, Teytey Teodoro ng Jose Rizal College, at Joseph Manlangit ng Centro Escolar.
Nauna rito, pitong Fil-foreign bred players ang nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon, sa pangunguna nina dating NCAA MVP CJ Perez at Trevis Jackson.
Ang iba pang Fil-foreign players sa draft ay kinabibilangan nina Robbie Manalang, Matthew Salem, Paul Varilla, at Carlos Isit.
Comments are closed.