PBA SA BACOLOR TULOY NA TULOY NA

on the spot- pilipino mirror

SAYANG naman  at nabigong makapasok sa finals si para swimmer Ernie Gawilan sa men’s 100-meter backstroke. Nalaglag siya sa 10th place overall sa  2020 Tokyo Paralympics.

Noong nakaraang Biyernes ay kinapos ang ­ating pambato  sa 200m  medlety event, pagkatapos noong Linggo ay nakatapos lamang si Gawilan sa 6th para sa 400 m finals. Anyway, we are proud of you, ginawa mo ang lahat upang sumubok na makapasok sa finals.

vvv

Tuloy na tuloy na ang pag-resume ng PBA 46th season. Bukas ay magsisimula na ang Philippine Cup na gagawin sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pamapanga.

Tsika namin, kapag bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay baka ibalik  sa Pasig Ynares Sports Arena ang mga laro para maging mas malapit ang uwian ng mga player. Dapat ma­niguro ang PBA na hindi na tataas ang COVID-19 cases sa  Metro Manila upang hindi ma- postpone ulit ang mga laro. Ang plano kasi ay tapusin ang elimination hanggang quarterfinals sa Pampanga. Pagkatapos ay ipagpapatuloy sa Yñares Pasig ang semifinals at finals.

Bakit hindi na lang sa Pampanga tapusin ang PBA 46th season? Kasi baka ang mangyari ay  biglang tumaas na naman ang COVID-19 cases sa Manila. Dapat maniguro ang PBA. Ano sa palagay mo, Kume Willie Marcial?

vvv

Babalik na si Aljon Mariano sa Barangay Ginebra sa pag-resume ng PBA. Pagkatapos magpagaling sa kanyang injury ay balik-laro na ang dating UST  player upang tumulong sa team.

Ngunit ang balita ay ayaw puwersahin ni coach  Tim Come si Mariano. Kailangan daw palakasin ang kanyang tuhod.  Pero sina Mariano at Arthur dela Cruz ay inilagay na sa lin up ng Ging Kings.

Speaking of Dela Cruz, sa totoo lang ay mahusay naman talaga ito at malaki ang maitutulong niya sa team ng Ginebra lalo na sa depensa. Siguro naman at tapos na ang jinx sa player at makakatapos na siya ng conference na hindi madadale ng injury. Ito kasi ang dahilan kung bakit nakakaisip ang  Ginebra na i-trade siya dahil laging may injury.

vvv

Kapag nagbukas na muli ang Philippine Volleyball League ay kasama na sa liga ang team ng F2 Logistic. Subalit wala pang kasigurahan kung kailan magsisimula ang PVL. Bago natapos ang 1st bubble game ng PVL na ginawa sa Ilocos Norte ay sinabi ni Ricky Palou na posibleng by October ay magsimula  ang PVL. Sana naman dahil very exciting ang bawat laro ng PVL.

11 thoughts on “PBA SA BACOLOR TULOY NA TULOY NA”

  1. YourDoll株式会社 本物のダッチワイフであなたの性的欲求を探る若い人形は小児性愛者を怒らせないようにすることができますか?ラブセックスドール:ベッドで本物の人形を追跡する男性のためのシリコンセックスドール理想的な代替品

  2. 234778 918550Id need to have to consult you here. Which isnt some thing Which i do! I enjoy reading a post that can make individuals feel. Also, appreciate your permitting me to comment! 976585

  3. 894752 991163Now im encountering a fresh short problems Once i cant look like allowed to sign up for the particular give food to, Now im utilizing search engines like google audience. 413073

Comments are closed.