PBA SEASON 46 OPENING SA MAYO NA?

Willie Marcial

HINDI na matutuloy ang opening ng 46th season ng PBA sa Abril 18 makaraang palawigin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa NCR Plus ng isa pang linggo.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado nang maaantala ang opening ng season.

“Sigurado nang delayed ‘to. Sigurado na,” aniya.

Plano ng liga na simulan ang All-Filipino Conference sa Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo. Gayunman, ang Rizal ay isa sa mga lugar na nasa ilalim ng  ECQ, kasama ang  Metro Manila, Laguna, Bulacan at  Cavite.

Ang naturang mga lugar ay mananatili sa ilalim ng  ECQ sa loob ng isa pang linggo upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Umaasa si Marcial na makapagsisimula ang  season sa Mayo. “Sana May, or as soon as possible,” aniya.

Sa sandaling luwagan ang quarantine restrictions, plano ni Marcial plans na bigyan ang mga koponan ng hanggang tatlong linggo para makapaghanda bago ang opening ng season.

Sa kasalukuyan, ang mga koponan ay hindi maaaring magsagawa ng small group practices sa mga lugar na nasa ilalim ng  ECQ. Tanging individual training sessions ang pinapayagan ng Games and Amusements Board (GAB).

Kinokonsidera rin ng PBA ang bubble setup na katulad ng isinagawa nito noong 2020 subalit huling opsiyon ito ng liga.

“Kasi nahihirapan nga tayo,” paliwanag niya.

Bukod sa umabot sa P65 million ang ginastos ng liga sa ‘bubble’, binanggit din ni Marcial ang epekto nito sa mental health ng mga player.

7 thoughts on “PBA SEASON 46 OPENING SA MAYO NA?”

  1. 373852 699026Wow, awesome blog structure! How long have you been running a weblog for? you produced blogging look effortless. The total appear of your internet site is amazing, let alone the content material material! 964783

  2. 416513 896161Thank you for your fantastic post! It has long been quite insightful. I hope that you will continue sharing your wisdom with us. 61148

  3. 207529 105259Dude.. My group is not considerably into seeking at, but somehow I acquired to read several articles on your weblog. Its fantastic how fascinating its for me to pay a visit to you fairly often. 412123

Comments are closed.