PBA STARS MAGPAPASIKLAB SA BATANGAS

NAKAHANDA nang magpakitang-gilas ang ‘cream of the PBA dead shots at dunk artists’ sa Biyernes sa Batangas City Coliseum.

Masasaksihan din ng fans sa Batangas City ang pambihirang pagkakataon na magbabakbakan ang PBA big men sa Obstacle Challenge.

Ang pagpapasiklaban na ito ay ihahatid sa second leg ng 2018 PBA All-Star series, kung saan maghaharap ang Smart National Team at ang PBA Luzon All Stars.

Ang All-Star Game ay nakatakda sa alas-7 ng gabi kung saan gagabayan ni coach Leo Austria ang koponan na kinabibilangan nina  Japeth Aguilar, Calvin Abueva, LA Tenorio, Paul Lee, Jason Castro, Stanley Pringle, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Ian Sangalang at Raymond Almazan. Makakasagupa nila ang national squad na naghahanda para sa third window ng FIBA World Cup qualifiers.

Magsusuot ng Smart Team Phl jersey sa Batangas sina June Mar Fajardo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Mac Belo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Ang Nationals ay namayani laban sa Luzon All Stars sa Lucena noong nakaraang taon.

Ang Batangas All-Star spectacle ay magsisimula sa alas-4 ng hapon sa pagdaraos ng pinakaaabangang Obstacle Challenge, three-point shootout at slam-dunk competition.

Pangungunahan ni dating MVP winner Asi Taulava ang big men na masusubukan ang lakas sa Obstacle Challenge.

Sina Sonny Thoss, Raymond Aguilar, JP Erram, Kelly Nabong, Russell Escoto, Ken Bono, Justin Chua, Aldrech Ramos, Beau Belga, Gabby Espinas at Yousef Taha ay pasok din sa isa sa highlight events sa PBA mid-season festivities na ito.

Samantala, pangu­ngunahan nina titleholder Allein Maliksi at dating champs Terrence Romeo at James Yap ang mga kalahok sa Three-Point Shootout.  Makakalaban nila sina Alaska’s Jvee Casio, Ginebra’s LA Tenorio, GlobalPort’s Stanley Pringle, Columbian Dyip’s Ronald Tubid, Meralco’s KG Canaleta, NLEX’s Larry Fonacier, Phoenix’s Matthew Wright, Magnolia’s Paul Lee at San Miguel’s Marcio Lassiter.

Sa slam dunk competition ay magpapakitang-gilas sina titleholder Chris Newsome, dating champ Rey Guevarra, at challengers Mat Rosser, Marion Magat, Renz Palma at Lervin Flores.

Comments are closed.