SA KABILA ng mga hamon ng panahon ay siniguro ng PBA teams na magagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at obligasyon sa kanilang mga player at tauhan.
Ang all-out support ng 12 koponan ay nagresulta sa matagumpay na pagdaraos ng Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.
Para sa financial sacrifices at malallm na pagmamahal para sa laro, bibigyang-parangal ng PBA Press Corps ang lahat ng member teams ng Asia’s pioneering pro league sa paggagawad ng President’s Award sa virtual Awards Night nito na nakatakda sa March 7 sa TV5 Media Center.
Ang ‘Heroic 12’ ay kinabibilangan ng Barangay Ginebra, TnT Tropang Giga, Meralco, Phoenix, San Miguel, Alaska, Magnolia, Rain or Shine, NLEX, Blackwater, NorthPort, at Terrafirma.
Kasama nilang kikilalanin si Bulakan, Bulacan Mayor at 1995 MVP Vergel Meneses, ang 2019 Presidential awardee ng grupo na nagko-cover sa PBA beat.
Ang hour-long program na handog ng Cignal TV ay iho-host nina Rizza Diaz at Carlo Pamintuan. Ipalalabas ito sa PBA Rush sa March 8.
Bago ang awards rite ay dalawang major awards ang iaanunsiyo, ang Outstanding Coach of the Bubble at Mr. Executive.
Bukod sa President’s Award ay nauna nang pinangalanan sina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger, and Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champion) Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at ang quintet nina Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, and Renzo Subido (All-Rookie Team).
Samantala, bukod kay Meneses, ang iba pang major awardees mula sa 2019 season ay sina Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng San Miguel, Danny Floro Executive of the Year PBA Chairman Ricky Vargas, at Defensive Player of the Year Sean Anthony. CLYDE MARIANO
363180 863824Some really nice stuff on this web web site , I like it. 600633