PBA TEAMS SAGOT ANG BILLS NG PLAYERS NA TATAMAAN NG COVID

Willie Marcial

SASAGUTIN ng mga koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga gastusin ng kanilang mga player na mangangailangan ng gamutan mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial makaraang magpulong ang Board of Governors noong Sabado, isang araw matapos na pulungin niya ang mga coach at team manager upang talakayin ang protocols ng liga para sa pagbabalik nila sa ensayo.

Sinabi ni Marcial na isa sa mga alalahanin ng mga player ay ang posibilidad na magpositibo sila sa COVID-19, at kung sino ang magbabayad sa kanilang medical expenses.

“Sasagutin ng teams lahat ng hospital expenses ‘pag nagka-COVID ang players, just like when players get injured,” wika ni Marcial.

Sasagutin din ng mga koponan ang halaga ng COVID-19 testing, na isasagawa ng San Miguel Corp. laboratory. Ang lahat ng testing ay isasagawa via Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o swab testing, taliwas sa naunang rekomendasyon na rapid-swab-rapid tuwing 10 araw.

Ilang koponan, kabilang ang mga koponan ng SMC group, ang isinailalim na sa tests ang kanilang players. Wala namang nagpositibo sa mga ito,

Comments are closed.