APRUBADO sa Batangas City ang pagdaraos ng PBA teams ng trainings sa gymnasiums ng lungsod bilang paghahanda para sa target na pagbubukas ng liga sa Hunyo.
Nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap ang dalawang entities hinggil sa bagay na ito sa pamamagitan ng phone conversation nina PBA commissioner Willie Marcial, Batangas City Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvin Marino.
“Okay na ang LGU (local government unit). JAO (Joint Administrative Order from the Department of Health, Games and Amusements Board, and Philippine Sports Commission) na lang, and maybe our teams can start practices middle of May,” sabi ni Marcial.
Personal na makakausap ni Marcial sina Dimacuha at Marino sa mga susunod na araw upang magtakda ng protocols na magiging gabay ng mga koponan sa pagsasanay sa Batangas.
Nangako sina Dimacuha at Marino na ipagagamit ang Batangas City Coliseum at ang Batangas State University Gym. Dati nang nakapa-glaro ang PBA sa dalawang naturang venues.
Ayon kay Marcial, anim hanggang pitong koponan ang posibleng magsanay sa Batangas habang isa o dalawa ang interesadong tanggapin ang imbitasyon ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc para sa isang camp sa Laoag.
Isinusulong ni San Miguel Corp. sports director at Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua ang Batangas dahil sa proximity at accessibility nito.
Target ng mga opisyal ng PBA na masimulan ng mga koponan ang scrimmages sa Mayo, sa pag-asang makapagbukas ang Season 46 Philippine Cup sa Hunyo.
Ang Batangas ay kasalukuyang nasa ilallm ng general community quarantine. CLYDE MARIANO
977731 698467The Twitter application page will open. This really is great if youve got a couple of thousand followers, but as you get more and more the usefulness of this tool is downgraded. 964432
496216 190278Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look simple. The overall look of your internet site is great, as well as the content material! xrumer 538669
625575 78847Properly worded post will be sharing this with my readers this evening 989817