PBA: TRAINING CAMP SA TAGAYTAY TARGET NG BOSSING

Dioceldo Sy

PARA makatipid sa oras at lubusang makapagpokus sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na PBA 46th season, kinokonsidera ng Blackwater na tularan ang ginawa ng tatlong koponan na nauna sa kanila.

Depende sa kung magpapasiya ang pamahalaan na isailalim ang NCR Plus sa regular General Community Quarantine (GCQ) o manatili sa heightened restrictions sa katapusan ng buwan, tinitimbang ng Bossing ang posibilidad na magdaos ng sarili nilang training camp sa Tagaytay.

Si coach Nash Racela at ang iba pa sa koponan ay nag-ensayo sa Batangas City Sports Center sa unang linggo nang sa wakas ay payagan ang team scrimmages.

Lumipat na sila sa training facility at kasalukuyang nag-eensayo sa Splendido Taal Country Club.

Ngayon ay pinag-uusapan nila kung mananatili sa kaparehong establisimiyento sa loob ng kahit isang linggo kung ipatutupad pa rin sa NCR Plus ang heightened GCQ.

“Tingnan natin by next week,” sabi ni team owner Dioceldo Sy. “For now balikan muna.”

Ang mga koponang nag-eensayo sa Batangas areas ay pawang nasa ilalim ng  closed-circuit system o semi-bubble, nangangahulugan na ang players, coaches, at utilities ay kailangang sumunod sa istriktong house-vehicle-venue at venue-vehicle-house routine sa tuwing nag-eensayo sila.

Iba ito sa  bubble setup ng Meralco, TnT Tropang Giga, at NLEX kung saan nagdaraos sila ng training camp at pumipirmi sa parehong training facilities kung saan sila nagsasagawa ng praktis, kadalasan ay dalawang beses sa isang araw.

Ang Bolts at Tropang Giga ay kapwa nagtungo sa  Laoag, Ilocos Norte at inihiwalay ang kanilang sarili doon sa loob ng dalawang linggo, habang ang Road Warriors ay Clark City, Pampanga.CLYDE MARIANO

3 thoughts on “PBA: TRAINING CAMP SA TAGAYTAY TARGET NG BOSSING”

Comments are closed.