PBA TUTOK SA DESISYON NI DUTERTE

PBA

KASAMA ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga masigasig na maghihintay sa pagsasalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para malaman kung makapagsisimula na ang mga PBA player na gumawa ng ilang ak-tibidad sa labas ng kanilang mga bahay o manatiling naka-lockdown sa ilalim ng mahigpit na panuntunan.

“Kapag gumanda (the measures to be announced by the chief executive), gaganda ang sitwasyon ng PBA. Kapag lumala, wala naman tayong magagawa,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial, na inaasahan ang pinakamabuti para sa lahat sa laban kontra COVID-19, gayundin para sa liga.

Nagbigay na ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ngunit sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pinal na desisyon ay magmumula sa Pangulo.

Si Duterte ay may tatlong opsiyon – ang palawigin ang general community quarantine,  lumipat sa mas maluwag na modified GCQ o bu­malik sa modified enhanced community quarantine.

Ang desisyon ay magiging krusyal sa pagnanais ng iba’t ibang sports leagues, kabilang ang PBA, na makabalik sa training at muling makapaglaro bago matapos ang taon.

Sa paglipat sa MGCQ ay luluwag ang restrictions sa sporting activities at maaaring magbigay-daan para sa unti-unting pagbaba-lik ng mga koponan sa on-court workouts.

Iginiit ng PBA na susundin nila ang sasabihin ng gobyerno, at hindi sila nagmamadali bagama’t nagsumite na sila ng letter of request sa IATF.

 

Comments are closed.