SA WAKAS ay makakapanood na ang PBA fans ‘virtually’ sa loob ng bubble simula ngayong araw.
Ang virtual fan wall na nakikita sa loob ng Angeles University Foundation gym sa Pampanga ay eksklusibo lamang dati para sa mga pamilya ng PBA teams, officials, staff, at media sa trial stage nito.
Ang orihinal na plano ng PBA ay buksan ang virtual fan section sa publiko sa Biyernes. subalit dahil sa kahilingan ng publiko, inagahan ito ng liga, sa araw na may Barangay Ginebra.
“Maraming fans ang tumawag at nagsasabing gusto nilang manood ng games as virtual fans,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Ang mga interesadong fans ay kailangang magparehistro sa links na ipo-post sa official social media sites ng liga araw-araw. Magbabago ang links araw-araw. Ipadadala ang Instructions via email matapos na makapagparehistro.
Comments are closed.