NAKAGAWIAN na ni Leo Austria ang magwagi ng kampeonato, gayundin ang pagkopo ng Coach of the Year award.
Sa ika-4 na pagkakataon sa nakalipas na limang taon, ang San Miguel mentor ang tatanggap ng coveted Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa annual PBA Press Corps Awards ceremony.
Naungusan ni Austria, 62, si Barangay Ginebra coaching great Tim Cone para sa award na ipinangalan sa late great ‘Maestro’ ng Philippine basketball.
Gayunman, ang crowning glory para kay Austria ay kailangan pang maghintay dahil ang awarding rite na orihinal na nakatakda noong nakaraang March 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center at mapapanood sa Cignal TV, ay ipinagpaliban ‘indefinitely’ dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nasikwat ni Austria, ang dating Rookie of the Year (1985), ang award na iginagawad taon-taon ng mga regular na nagko-cover sa PBA beat, makaraang gabayan ang San Miguel Beer sa back-to-back championships noong 2019 season, kabilang ang record fifth straight crown sa Philippine Cup.
Kasunod ng kanilang title triumph sa mid-season Commissioner’s Cup, abot-kamay
na ng Beermen ang pambihirang grand slam, subalit kinapos sa homestretch ng Governors Cup, na kalaunan ay napagwagian ni Cone at ng Kings.
Subalit walang makapipigil kay Austria, na nagmamay-ari ngayon ng walong kampeonato magmula nang maging San Miguel coach noong 2014, na muling masungkit ang award.
Ang soft-spoken coach mula sa Sariaya, Quezon ay gumawa ng kasaysayan, tatlong taon na ang nakalilipas, nang maging unang nagwagi ng award ng tatlong sunod na season at nakuha ang karapatang mapanatili ang Perpetual Trophy – na unang ipinagkaloob noong 1993 – nang permanente.
Natalo siya kay Chito Victolero ng Magnolia para sa 2018 award.
Ang Coach of the Year title ay ika-4 para kay Austria upang umakyat siya sa solo no. 2 sa all-time winning list makaraang unang makatabla sina Cone a Ryan Gregorio.
Si Chot Reyes, ang dating Gilas Pilipinas mentor, ang nangunguna sa honor roll bilang tanging five-time winner ng award.
Ang iba pang multiple winners ay sina Yeng Guiao, Jong Uichico, at Perry Ronquillo, na may tig-2 para magtabla sa no. 4.
Comments are closed.