Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tinaguriang bagong bayani o overseas Filipino workers sa Lao People’s Democratic Republic.
Sa kanyang talumpati sa pagharap sa Filipino community sa Laos, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng mga ito kabilang ang mga guro na naghuhulma sa mga magiging lider ng nasabing bansa sa hinaharap.
Kasama rito ang mga enhinyerong nagpapatatag sa kanilang economic security, at hospitality providers na naghahatid ng natatanging serbisyong kanilang natutunan mula sa Pilipinas.
Kasama rin ang executives na nagpapasigla sa kanilang business community tungo sa paglikha ng mga oportunidad para sa kalakalan at investments, at iba pang experts at professionals na nagbabahagi ng kanilang husay at kakayahan para sa pag-unlad ng lipunan.
Idiniin ng Pangulo na damang-dama ang magandang kalibre at mataas na pagtingin ng mga taga-Laos sa mga Filipino, at sila umano ang patunay na nangingibabaw ang galing ng mga ito saanman sa mundo.
PMRT