SINUSPENDE ng Philippine Competition Commission (PCC) ang kanilang pagrerepaso ng pagbili ng Grab Philippines sa Uber Philippines matapos na gumawa ng alok ang Grab ng voluntary commitments para matugunan ang anti-competitive concerns.
Kinumpirma ng Grab kamakailan na nakapagsumite na sila ng alok noong Mayo 30, pero hindi na pinalawig ang detalye.
Sinabi ni PCC Commissioner Johannes Bernabe na ang pag-aaralan ng antitrust body sa panahon ng suspension kung ang pangako na ibinigay ng Grab ay sapat para matugunan ang mga isyu tungkol sa presyo at serbisyo, na siyang pinalagan ng PCC.
Naunang sinabi ng PCC, sa pagbanggit ng survey na kanilang ikinomisyon na mula nang kunin ng Grab ang Uber, tumaas na ang pasahe habang palpak naman ang serbisyo.
“If there are voluntary commitments agreed upon, then the commission will issue a decision approving these voluntary commitments offered by Grab,” pahayag ni Bernabe.
“It’s going to take some time. If it doesn’t address the concerns, then Grab will probably be required to substantiate further or deepen their offer of voluntary commitments,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Bernabe na kung mapagkakasunduan, ibabalik ng PCC ang pinal na desisyon sa Grab-Uber deal ang rule on the merits.
Ang assessment ng voluntary commitment, ayon sa PCC ay tatagal ng hindi lalagpas sa 60 araw.
Comments are closed.