PCG NAKATUTOK SA BULKANG BULUSAN

SORSOGON- NAKATUTOK na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan sa lalawigang ito.

Matapos ang pagputok ng bulkan, agad na kumilos ang PCG para mabigyan ng tulong ang mga residenteng apektado.

Ang PCG- Sorsogon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Philippine Army ay magkakatuwang para sa evacuation o paglipat sa mga residente sa Barangay Puting Sapa, Juban, Sorsogon.

Batay sa bilang, mahigit 25 pamilya na katumbas ng 101 residente ang pansamantalang inilakas at nasa kustodiya ng Juban evacuation center.

Paalala ng PCG sa mga residente at mga publiko na huwag nang pumasok sa four radius kilometer danger zone sa paligid ng Bulkan Bulusan.

Mag-ingat din sa 2 km extended danger zone dahil sa inaasahang patuloy na aktibidad ng bulkan.
Nauna nang itinaas sa alert level ang paligid ng bulkan dahil sa posible pang pag-alburoto nito. BETH C