PCSO NAG-REMIT SA PSC

PCSO-4

BAGAMAN labis na naapektuhan ang kanilang operasyon at benta ng pandemya, nag-remit ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine Sports Commission (PSC) ng kabuuang Php 359, 672.07 sa PCSO Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Huwebes.

Ang PSC ay kinatawan nina Commissioner Celia Kiram at Cashier Maybelle Panis na pormal na tinanggap ang tseke mula kay PCSO Charity Assistance Department Officer-in-Charge Jerusa Corpuz sa simpleng seremonya.

Ito na ang ika-5 remittance ng PCSO sa PSC para sa 2020 kung saan umabot na sa Php 1,816,527.03 ang kabuuan nito.

“PSC is so happy that despite the pandemic, PCSO generously gave their share for the development of sports,” wika ni Commissioner Kiram.

Ang PCSO ay nangunguna sa pagtulong sa sports development program ng bansa. Noong Pebrero lamang, ang PSC ay tumanggap ng kabuuang Php 1,456,854.96 mula sa PCSO, isang buwan bago ang COVID-19 lockdown.

Noong 2019, ang PCSO ay nagpalabas ng kabuuang Php 2.3 million sa ahensiya, ang parehong taon na naging host at nakopo ng bansa ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games na ginanap noong  November 30-December 11.

Ito ang regular remittance ng charity agency sa ilalim ng Section 26 ng R.A. 6847, na nagsasaad na 30% ng charity fund at proceeds ng anim na  sweepstakes ng lottery draw per annum ay ipagkakaloob sa PSC upang tulungan itong pondohan ang sports development programs ng bansa. CLYDE MARIANO

Comments are closed.