DINEPENSAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo na ang kampanya ng pamahalaan kaugnay sa war on drugs at dapat na itong itigil.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, hindi nila kinokonsidera na bigo ang kampanya laban sa ilegal na droga dahil nakikita nila itong solusyon sa problema ng bansa.
Aniya, kapag itinigil ang kampanya laban sa ilegal na droga ay maaaring mamayagpag muli ang mga drug lords, drug pusher at mga user.
Tinukoy ni Aquino, kung pagbabasehan ang huling poll ng Social Weather Stations (SWS), nanatiling “excellent” ang satisfaction rating ng war on drugs.
Bunsod ito nang pagkakakumpiska ng humigit kumulang P36-billion halaga ng ilegal na droga, pagkaaresto sa halos 200,000 suspects, at drug-free status ng 15,000 barangays sa loob lamang ng dalawang taon at apat na buwan na implementasyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.