HUMIRIT ng isang ‘closed door meeting’ ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kay Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) Co-chairperson at Vice President Leni Robredo.
Ito’y ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino ay para ilatag ni Robredo ang listahan ng mga high value target ng ahensiya kaugnay ng war on drugs.
Pero paglilinaw ni Aquino, tanging ang mga tauhan lang na mayroong security clearance ang maaaring sumama sa nasabing pagpupulong dahil itinuturing nilang isang classified document ang nasabing listahan.
Giit ni Aquino, maging siya mismo ay walang hawak na kopya ng nasabing listahan dahil piling tao lamang aniya ang binibigyan nito.
Kaya naman nangangamba si Aquino na kung ibibigay nila ito kay VP Leni, mawawalan na sila ng kontrol sa kung sino ang magkakaroon ng access sa listahan na posible ring magresulta sa pagkasunog ng kanilang operasyon. DWIZ882
Comments are closed.