MAYNILA – SWAK sa kulungan ang tatlo katao nang makuhanan ng shabu ng Manila Police Station 9 sa panulukan ng Zapanta Street at Arellano Avenue.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jon Jon Agustin, 38-anyos, pedicab driver; Raymond Lagunsad, 26-anyos, painter; at Ernesto Castillo, 41-anyos, walang trabaho at pawang residente ng lungsod.
Nangyari ang pag-aresto sa mga suspek pasado alas-12:30 ng madaling araw kahapon matapos magsagawa ng anti-criminality campaign ang elemento ng Station Drug Enforcement Unit Malate Police Station PS-9.
Narekober sa tatlong suspek ang tatlong sachet ng shabu.
Pansamantalang ikinulong ang mga suspek sa PS-9 custodial facility para sa bookings at documentation.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2009. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.