INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na nagpanggap na journalist, sa Makati City.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Yun Jong Sik, 39-anyos, pansamantalang naninirahan sa Guadalupe, Makati City kung saan siya nasakote ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU).
Ayon kay Morente, si Yun ay wanted sa kanilang lugar sa Korea dahil sa kasong pandarambong o panloloko ng halagang 42.2 milyon Won sa kapwa niya Korean national.
Nadiskubre ng mga ito na si Yun ay wanted sa Korea dahil sa mga kasong fraud at may mga nakabinbin na warrant of arrest sa Korean Court.
Ayon sa pahayag ni Dana Krizia Sandoval, BI Spokesperson, isa sa naka-pending na kaso ay ang kasong swindling sa dalawang Koreana na hiningian umano niya ng pera via internet.
Nagpapakilala umanong journalist ang suspek na nagtapos sa isang prestigious na university sa Amerika.
Ayon sa rekord ng BI, dumating sa Filipinas si Yun noong Oktubre 2, 2008 at hindi na muling umalis sa bansa.
Nakakulong ang suspek sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. FROI M
Comments are closed.